Kinumpirma ng Msteam Entertainment Agency na nagpositibo sa COVID-19 ang squid game actor na si Wi Ha Joon.
Unang nagpa-test ang aktor nito lamang Marso a-primero at nagpositibo umaga ng Marso a-dos.
Kasalukuyan ngayon naka self-quarantine si Wi Ha Joon at pansamantala munang ipinahinto sa mga aktibidad kabilang na ang kanyang ginagawang pelikula para sa paparating na drama na “K Project.”
Umaasa naman ang mga fans ni Joon na mabilis itong makakarekober sa nakakahawang sakit. – sa panulat ni Angelica Doctolero