Inihayag ng S&R membership shopping na inatake ito ng isang cybercrime at posibleng maapektuhan ang contact information ng mga miyembro nito.
Sa post ng S&R sa facebook page, sinabi na naiulat na ang nangyaring insidente sa National Privacy Commission (NPC).
Kinumpirma naman ito ni NPC public information and Assistance Division Chief Roren Chin na nagsumite na ng report ang naturang establisyimento kaugnay sa cybercrime attack.
Ayon sa S&R, hindi naapektuhan ang negosyo nito ngunit maaari na makompromiso ang mga impormasyon ng mga miyembro nito.
Samantala, nangyari ang naturang pag-atake sa gitna ng pagdagsa ng spam text messages na nag-aalok ng trabaho sa mga nakakatanggap nito mula sa hindi kilalang indibidwal. —sa panulat ni Airiam Sancho