Wala pang dahilan para magdiwang ang kampo ng Australian missionary na si Sr. Patricia Fox dahil posible pa rin itong mapatalsik sa bansa.
Iyan ang iginiit ng Malakaniyang matapos na ibasura ng Department of Justice ang kanselasyon ng Bureau of Immigration sa visa ng madre.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may nakabinbin pang deportation case ang immigration laban kay Sister Pat na hiwalay sa ibinasurang kaso ng DOJ.
Una rito, inihayag sa DWIZ ni Atty. Maria Sol Taule, abogada ni Sr. Fox na dapat na ring ibasura ng B.I. Ang inihaing deportation case nito laban sa madre.
Sakaling hindi mang hindi maging pabor sa kanila ang resulta ng deportation case, sinabi ni Atty. Taule na handa nila itong i-akyat hanggang sa Korte Suprema.