Dapat na ibigay sa tamang oras ang Special Risk Allowance ng mga health workers.
Ito ang inihayag ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante kasunod ng pagnanais ng ilang health workers na magbitiw sa kanilang trabaho dahil sa stress at banta ng virus sa kanilang kalusugan dahil sa exposure sa mga covid patients.
Aniya, maraming health workers na ang nais na mag-resign at aniya ay nirerespeto nila ang opinyon ng mga ito.
Hinikayat naman ni Solante ang gobyerno na bigyan ng kinakailangang suporta ang mga health worker.—sa panulat ni Hya Ludivico