Positibo ang SRA o Sugar Regulatory Administration na malalagpasan nila ang tinarget na produksyon ng asukal sa bansa para sa taong kasalukuyan.
Ipinabatid ni SRA Administrator Anna Paner na batay sa inisyal na report, nasa 2.3 milyong metriko tonelada ang produksyon ng asukal mula sa tinarget na 2.25 milyong metriko tonelada.
Aabot sa may 419,000 ektaryang sakahan ang tinaniman ng tubo at nasa 23 milyong tubo ang naani ng mga magsasaka.
Ipinagmalaki pa ng sra na makatutugon ang Pilipinas sa quota ng merkado sa Estados Unidos na aabot sa 136,000 metriko tonelada ng asukal bago matapos ang buwan ng Mayo.
By: Meann Tanbio