Halos isanlibong (1K) panaderya ang nagsarado sa sri lanka dahil sa matinding kakulangan ng cooking gas.
Ayon sa Sri Lankan Government, naka-a-apekto na sa ekonomiya ang numinipis na foreign exchange reserves dahilan upang mahirapan ang pamahalaan na bayaran ang imports, tulad ng pagkain, gamot at oil products.
Ito na sa ngayon ang pinaka-malalang financial crisis sa nakalipas na isang dekada.
Sarado rin ang maraming power plants kaya’t napapadalas ang brownout na tumatagal ng pitong oras kada araw.
Nakadagdag pa sa problema ang numinipis na oil supply sa international market dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.