Sa ikalawang pagkakataon sa loob ng limang linggo, muling nagdeklara ng state of emergency ang Sri Lanka.
Ang deklarasyon ay ginawa ni Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa upang matiyak ang kaayusan o “public order” matapos matigil ang operasyon ng mga establisimyento at public transport bunsod ng kaliwa’t kanang demonstrasyon.
Binugahan ng tear gas at water cannon ng mga pulis ang mga raliyista nang subukang lusubin ng mga ito ang national parliament para ipanawagan ang pagbibitiw sa puwesto ni Rajapaksa.
Sa pamamagitan naman ng state of emergency, mabibigyan ng kapangyarihan ang mga pulis o security forces na arestuhin at ikulong nang matagal ang mga mahuhuling suspek nang walang judicial supervision.