Nagdeklara na ng State of Emergency ang Sri Lanka bunsod ng kaliwa’t kanang kilos-protesta na nag-ugat sa umano’y lumalalang economic crisis sa kanilang bansa.
Ginawa ang hakbang matapos lusubin ng daan-daang demonstrador ang tahanan ni Sri Lankan president Gotabaya Rajapaksa.
Ayon kay Rajapaksa, dahil sa deklarasyon ay puwede nang arestuhin ng militar at ikulong ang mga sangkot sa mga protesta nang hindi na daraan sa mahabang paglilitis o trial.