Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Sri Lankan President Maithripala Sirisena sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), limang araw tatagal ang state visit ni Sirisena mula Enero 15 hanggang 19 kasunod ng imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahan namang matatalakay sa bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Sirisena sa Enero 16 ang ilang mga usaping may kaugnayan sa pagpapalakas sa relasyon ng dalawang bansa tulad ng politika, ekonomiya at kultura.
Bukod dito, naka-schedule din si Sirisena na bumisita sa Asian Development Bank at International Rice Research Institute sa Los Baños, Laguna.
—-