Hiniling ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED) na itaas ang Suggested Retail Price (SRP) ng asukal sa pagitan ng P85 hanggang P90 kada kilo matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon kay UNIFED president Manuel Lamata, nanghihingi siya ng angat SRP dahil sinalanta ng baha ang mga lupain ng asukal.
Sinabi ni Pablo Luis Azcona, Planters Representative ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board na may basehan ang kahilingan ng Sugar Producer Group.
Samantala, pinagaaralan pa ng Department of Agriculture (DA) ang apela ng nasabing grupo.
Mababatid na nauna nang sinabi ng SRA na hindi bababa sa 150 thousand metric tons ng puting asukal ang darating sa bansa pagsapit ng November 15 kung saan inaprubahan sa ilalim ng Sugar Order No 2. —sa panulat ni Jenn Patrolla