Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga manufacturer na babaan ang Suggested Retail Price (SRP) ng mga produkto gaya ng de lata at instant noodles.
Katwiran ng DTI, bumaba na ang lahat ng gastos ng mga manufacturer sa paggawa ng mga naturang produkto gaya ng cost sa sangkap at halaga ng pagbiyahe sa mga ito.
Gayunman, nananatiling malamig ang mga manufacturer sa hirit na tapyas presyo.
Tali naman ang kamay ng DTI lalo’t ang nagdidikta sa presyo ng mga pangunahing bilihin ay ang mga manufacturer at hindi ang pamahalaan.
Dahil dito, planong kumonsulta ng DTI sa national price coordinating council para mungkahing bawas presyo sa mga produktong pagkain.
By Ralph Obina