Inilabas na ng Department of Trade and Industry o DTI suggested retail price o SRP ng ilang noche buena items.
Maglalaro sa P137 hanggang P949 ang kada kalahati hanggang limang kilo ng hamon; P46.10 hanggang P207.90 sa kada 432 grams hanggang 3 kilo ng fruit cocktails,P149 hanggang P450 sa kada 300 grams hanggang 750 grams ng quezo de bola; P15.25 hanggang P88 sa kada 200 grams hanggang 1 kilo ng spaghetti at P20.50 centavos hanggang P83.30 centavos sa kada 25 grams hanggang 1 kilo ng spaghetti sauce.
Inihayag naman ni Trade Undersecretary Ted Pascua na dapat manatili ang SRP sa mga nabanggit na produkto hanggang katapusan ng taon.
Aminado rin si Pascua na bagaman may ilang brand ng hamon na nagtaas ng presyo, bumaba naman ang presyo ng spaghetti maging ng spaghetti sauce.