Magbabalik na sa suggested retail price (SRP) ang mga pangunahing bilihin sa bansa.
Bunsod ito ng pagtatapos ng umiral na 60 days o dalawang buwang price freeze na ipinatupad ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa pahayag ng DTI, sinabi nito na simula pa noong Mayo 16, ang mga basic necessities ay hindi na sakop ng price freeze na ipinatupad noong Marso.
Batay sa tala, ang mga produktong nakasailalim sa price freeze ay ang mga sumusunod na produkto:
- mga tinapay;
- processed milk;
- kape;
- sabon;
- instant noodles; at iba pa.
Kasunod nito, nilinaw naman ng kagawaran, na ang pagtatanggal ng ipinatupad na price freeze ay wala namang epekto sa ginagawang price at supply monitoring ng mga ahensya ng gobyerno.