Nakatakdang ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Suggested Retail Price o SRP ng mga noche buena products sa ikalawa o ikatlong linggo ng Nobyembre.
Batay sa monitoring ng DTI, tinatayang nasa P0.05 hanggang P0.35 ang itataas ng bente porsyento ng lahat ng noche buena products.
Kasabay nito, inihayag ng DTI na bababa ang presyo ng Pinoy pandesal at Pinoy tasty sa loob ng buwang ito bunsod ng pagmura ng harina sa World Market.
Singkwenta sentimos hanggang piso (P0.50-P1.00) ang ibababa ng bawat supot ng Pinoy pandesal at Pinoy tasty simula sa Nobyembre 15.
Habang binigyan naman ng hanggang Nobyembre 5 ang mga negosyante para ibaba ng P0.24 hanggang P0.30 ang kada pakete ng instant noodles.
By Meann Tanbio