Naglabas na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng listahan ng “suggested retail price (srp)” ng mga school supplies laban sa mga negosyanteng muling mananamantala ngayong papalapit na naman ang pasukan.
Ayon sa DTI, magsisilbi rin ang srp sa mga produktong pampaaralan bilang “guide” ng mga magulang kung magkano ang halaga na iba-budget nila sa kanilang mga anak na mag-aaral.
Sakop ng inilabas na srp ang mga composition notebooks, writing notebooks, spiral notebooks, pad papers mula grade 1-4, intermediate papers, krayola, lapis, ballpens, pambura at mga pantasa.
Partikular na nakasaad na ang isang 80-pahinang kuwaderno (notebook) ay dapat magkahalaga lamang mula P11- P31 pesos, habang ang kahon ng walong pirasong krayola ay mula P8.75- P21.75 pesos depende sa brand, habang ang mga ballpen ay mula P4-P31.75 pesos kada piraso.
Nagbabala ang DTI sa mga negosyante na sundin ang kanilang inilabas na srp habang nanawagan sa publiko sa reklamo sa kanila ang mga umaabusong mga tindero, book store at iba pang establisimiyento na nagtitinda ng mga school supplies.
By: Mariboy Ysibido