Kakasa na simula sa lunes sa Metro Manila ang Suggested Retail Prices o SRP para sa walong pangunahing bilihin.
Ayon kay Agriculture secretary Manny Piñol, kabilang dito ang regular milled rice na 39 pesos kada kilo subalit walang itinakdang SRP sa well milled at mas mataas na variety ng bigas.
Samantala, ang bangus ay nasa 150 pesos kada kilo, tilapia ay 100 pesos kada kilo at galunggong, 140 pesos kada kilo.
Nasa 95 pesos ang presyo bawal kilo ng pulang sibuyas, 75 pesos naman sa puting sibuyas, 70 pesos kada kilo ng bawang at 120 pesos kada kilo ng lokal na bawang.
Sinabi ni Piñol na ang SRP para sa iba pang pangunahing bilihin tulad ng karne, poultry products at mga gulay ay kailangan pang isailalim sa konsultasyon.
Ipinabatid ni Piñol na mayroong hiwalay na SRP sa mga lalawigan dahil mas mataas ang supply ng ilang commodities sa ibang lugar na magre-resulta sa mas murang presyo.
Nilinaw ni Piñol na hindi pang matagalan ang SRP dahil kailangan ding ikunsidera ang ilang kondisyon tulad ng panahon at epekto ng presyo sa mga magsasaka at mangingisda.