Magpapatupad ang Department of Agriculture o DA ng suggested retail price o SRP sa walong pangunahing bilihin sa Metro Manila simula ngayong araw.
Ang ipatutupad na SRP ay napagkasunduan ng stakeholders matapos ang ilang konsultasyon sa iba’t ibang mga sektor para maiwasan ang ilang pang-aabuso ng mga negosyante.
Kabilang sa mga lalagyan ng SRP ay ang regular milled rice na mabibili na ng tatlumpu’t siyam na piso (P39) kada kilo habang wala namang itinakdang SRP sa well-milled rice at iba pang mas mataas na klase ng bigas.
Nasa isandaan at limampung piso (P150) kada kilo naman ang itinakdang SRP para sa bangus, isandaang piso (P100) kada kilo para sa tilapia at isandaan at apatnapung piso (P140) kada kilo para sa galunggong.
Habang ang pulang sibuyas naman ay mabibili na ng siyamnapu’t limang piso (P95) kada kilo, pitumpu’t limang piso (P75) kada kilo naman para sa puting sibuyas at pitumpung piso (P70) kada kilo para sa imported na bawang.
Sinabi naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol na kailangang isailalim pa sa konsultasyon ang SRP para sa mga gulay, karne at mga poultry products.
—-