Sisimulan nang ipatupad ng gobyerno ang paglalagay ng suggested retail prices (SRP) sa bigas at manok sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong petrolyo.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, chairman ng National Food Authority Council (NFAC), target nilang ipatupad sa katapusan ng Oktubre ang SRP sa bigas.
Ito, aniya, ay upang matiyak na stable at hindi overpriced ang mga nabanggit na produkto.
Nilinaw naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na i-a-update kada tatlong araw ang SRP sa manok upang ma-monitor ang presyo sa mga pamilihan.