Hiniling ni Cong. Nicanor Briones, Pork Producers Federation of the Philippines Chairman at AGAP Party-list Representative sa Department of Trade and Industry na dapat suriin ang sobrang presyo ng mga produktong baboy.
Ito’y sa kabila ng mababang farmgate price ng baboy na nasa P200 lamang kada kilo.
Dagdag pa ni Cong. Briones, bagama’t mas mahal ang liempo, naglalaro lamang ang presyo nito sa P350 sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Iminungkahi ni Cong. Briones na magtakda ng suggested retail price sa presyo ng kada kilo ng baboy sa mga palengke upang may gabay ang mga mamimili sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin. sa panunulat ni Raiza Dadia