Inihihirit ng National Federation of Hog Raisers ang suggested retail price (SRP) sa mga presyo ng karneng baboy.
Sa nasabing SRP na lang, ayon kay Chester Tan, pangulo ng grupo, ibabatay sa suplay at demand ng karneng baboy.
Sinabi ni Tan na uubra nang alisin ang price cap kapag mayroon nang SRP.
Una nang nagpataw ang gobyerno ng P270 hanggang P300 na presyo sa kada kilo ng baboy bilang price cap matapos sumirit sa mahigit P400 ang presyo ng kada kilo ng karneng baboy sa mga wet market.