Nagtakda na ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) para sa ilang agricultural products.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sakop ng SRP ang baboy, manok, isda at iba pang agri-products.
Narito ang itinakdang SRP ng DA para sa mga sumusunod na produkto:
- Bawang – P80 kada kilo
- Baboy (pigue/kasim) – P190 kada kilo
- Manok (whole, dressed) – P130 kada kilo
- Asukal na pula – P45 kada kilo
- Asukal na puti – P50 kada kilo
- Bangus (cage-cultured) – P162 kada kilo
- Tilapia (pond-cultured) – P120 kada kilo
- Galunggong (imported) – P130 kada kilo
- Imported na bawang– P70 kada kilo
- Lokal na bawang– P120 kada kilo
- Pulang imported na sibuyas– P95 kada kilo
Sa ilalim ng Circular No. 1 na nilagdaan ng kalihim, ang SRP na ipinataw ng ahensiya ay dapat na umiral sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Regular aniya silang magsasagawa ng monitoring kasama ang Department of trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG) at local government unit (LGU) para masigurong mapo-protektahan ang mga konsumer.