Nagpalabas na ng Suggested Retail Price o SRP ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga pangunahing bilihin na siyang gagamitin sa papalapit na Undas.
Partikular na rito ang bottled water kung saan, dapat nasa P5 hanggang P11 ang presyo ng kada 300 ml.
Habang dapat maglaro sa P6.75 hanggang P16 pesos naman para sa kada 500 ml ng bottled water.
Sa presyo naman ng kandila, dapat maglaro lamang sa P32 hanggang P125 pesos ang presyo ng esperma depende sa laki nito habang wala namang paggalaw sa presyo ng ordinaryong kandila.
Ngunit ayon naman kay Steven Cua ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, nasa P10 hanggang P15 piso ang itinaas ng mga kandilang nakalagay sa baso.
Bagama’t wala pa namang paggalaw sa presyo ng bulaklak, ngunit ayon sa mga tindera sa dangwa, asahan na ang pagsipa ng presyo ng mga ito pagsapit ng Oktubre 20.
By Jaymark Dagala