Hinikayat ng grupong Laban Konsyumer ang Department of Trade and Industry o DTI na repasuhin ang suggested retail price o SRP sa mga de-latang karne at sardinas.
Ito’y makaraang lumabas sa pag-aaral ng grupo na “overpriced” o sobrang taas ng SRP sa canned goods.
Ayon kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, labinlimang (15) porsyento na ang itinaas ng presyo ng mga de lata ngayong taon lamang.
Dumipensa naman si Trade Secretary Ruth Castelo sa pagtaas ng SRP at iginiit na bagaman bahagyang bumaba presyo ng tin plate ay pabago-bago naman ang presyo ng meat products na ini-import pa mula sa ibang bansa.
Magugunitang nagkaroon ng singkwenta (P0.50) hanggang nobenta (P0.90) sentimos na dagdag sa SRP ng mga produktong de-lata noong isang buwan matapos aprubahan ng DTI ang hirit ng mga manufacturer dahil sa pagmahal ng raw materials at labor cost.
—-