Magtatakda ng suggested retail price o SRP ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga noche buena products.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ilalabas nila sa October 15 ang SRP para sa noche buena products.
Samantala, mananatili pa aniya hanggang sa December 1 ang kasalukuyang presyo ng mga manufactured products.
Resulta aniya ito ng hiniling nilang moratorium sa pagtaas ng presyo ng manufactured products.
Sinabi ni Castello na nakipag-usap na rin sila sa mga market administrators para maibalik ang DTI presyo bulletin sa mga pamilihan.
“Tutulungan po nila tayong mag-enforce nitong mga sinasabi nating SRP ng manok at baboy at presyo ng bigas, ‘yung DTI presyo bulleting ay ibabalik natin, kasi sabi nila may mga nawala, nasira papalitan po natin at diyan ilalagay lahat ng presyo.” Ani Castelo
(Ratsada Balita Interview)