Nagsagawa ng courtesy call ang German Development Cooperation (GIZ) South-South Collaboration on Climate Information Services (SSCIS) Project Team kay Climate Change Commission (CCC) Vice Chair at Executive Robert E.A. Borje, Overall Program Director, para talakayin ang mga susunod na hakbang ukol sa implementasyon ng SSCIS.
Sa nangyaring pagpupulong, mainit na tinanggap at pinuri ni Borje ang SSCIS Project Team sa pagpupursige nito, katuwang sila, upang maisakatuparan ang proyekto.
“The implementation of the SSCIS Project presents an opportunity for CCC and the Philippine government to further enhance knowledge and capacities in data management, including collecting, generating, and analyzing climate data as a basis of climate action,” wika ni Borje.
Layon ng EUR 5-million project na matulungan at mabigyan ng climate information services ang national at local government, gayundin ang academe, at lumikha ng isang South-South Center of Excellence kung saan maaaring magpalitan ng kaalaman at kahusayan ang mga bansang lantad sa pabago-bagong klima.
“The South-South Center of Excellence will allow us to further deepen our engagement with the Climate Vulnerable Forum (CVF), promoting a whole-of-world approach in enhancing climate resilience of communities,” sabi ng opisyal.
Maliban naman kay Dr. Bjoern Surborg, Principal Advisor ng SSCIS Project and Cluster Coordinator for Climate Change and Disaster Risk Management ng GIZ Philippines Office, dumalo rin sa meeting si Chief Adviser Jimmy Loro, at maging ang team members na sina Theresa Lim, Denise Ann Suarez, Richard Antonio, at Rune Ylade.
“The GIZ Philippines, through the South-South Project, remains committed to work with the Philippine government in promoting data-driven climate action to enhance local knowledge on climate change,” pahayag naman ni Dr. Surborg.