Hindi pa maaaring pagbotohan ang Salary Standardization Bill Committee Report kahit pa naipasa na ito sa Approriations Committee Level ng House of Representatives.
Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, hangga’t walang chorum sa Kamara ay malabong pagbotohan ang nasabing panukalang batas.
Iginiit ni Atienza na kahit pumapabor sa mga manggagawa ang Salary Standardization Bill ay dapat pa ring magkaroon ng sapat na bilang ng mga mambabatas upang pagbotohan ang panukala.
Una ng nangako si Committee Chairman Isidro Ungab na kanilang bibilisan ang proseso ng pagsalang sa Plenary Committee Report.
By Drew Nacino | Jill Resontoc (Patrol 7)