Binigyan-diin ng liderato ng Social Security System na malaki ang maitutulong ng 1% contribution rate hike.
Ayon kay SSS President and CEO Robert Joseph De Claro, dahil sa ipatutupad na rate hike, madaragdagan ang benepisyo ng mga miyembro nito.
Mayroon din anya itong long at short term benefits sa mga miyembro nito partikular na ang pagdaragdag ng 400 pesos sa buwanang pension ng mga pensioner.
Bukod pa rito, iginiit ni CEO De Claro na magkakaroon ng epekto sa mga miyembro kapag hindi naipatupad ang dagdag-singil.
Naniniwala din ang CEO ng SSS na ito na ang huling pagpapatupad ng SSS ng contribution rate hike. - Sa panulat ni Kat Gonzales