Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang magaganap na pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).
Ayon kay Roque, nakabinbin ang panukala ng S.S.S. at wala pang ibinibigay na anumang pahayag o approval si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kasalukuyan, 11 porsyento ng buwanang sweldo ang katumbas na kontribusyon ng bawat miyembro ng SSS kung saan babayaran ng employer ang 7.3 percent habang ang 3.6 percent ang kukunin mula sa sweldo ng isang manggagawa.
Samantala, wala pang napipisil si Pangulong Duterte na ipapalit kina dating S.S.S. Chairman Amado Valdez at dating S.S.S. Commissioner Pompei La Viña na kapwa hindi na ni-renew ang appointment sa naturang tanggapan.
Si Valdez ang nagmungkahi sa punong ehekutibo na taasan ang kontribusyon ng mga S.S.S. member upang mapanatili ang pondo ng ahensya at tumaas din ang benepisyo ng mga miyembro.
-Jopel Pelenio