Posibleng taasan ng Social Security System (SSS) ng hanggang .5 percent ang kontribusyon ng kanilang mga miyembro.
Ito, ayon kay SSS Vice President for Benefits Administration Division Normita Doctor, ay upang mapunan ang ilalabas na pera ng ahensiya para sa pagpapatupad ng Extended Maternity Leave Act.
Gayundin ang mapanatili ang kasalukuyang financial status ng ahensiya.
Paliwanag ni Doctor, hindi maiiwasana ng dagdag kontribusyon dahil walang nakasaad sa bagong batas hinggil sa expanded maternity leave kung saan nila kukunin ang pondo para dito.
Gayunman, sinabi ni doctor na kanila pang pinag-aaralan kung kailan maaaring ipatupad ang dagdag kontribusyon dahil nagtaas na rin sa 12 percent ang kinukuha nilang kontribusyon batay sa bagong batas ng SSS.