Magtataas na ng kontribusyon ang SSS o Social Security System simula sa Enero sa susunod na taon.
Ayon kay SSS President Emmanuel Dooc, ito ay upang makaagapay sa itinaas na P1,000 sa mga pensioner na ipinatupad ngayong taon.
Paliwanag ni Dooc, itinuloy lamang ang pagtataas ng kontribusyon na dapat sana ay ipinatupad na noong Mayo ngunit pinigil para isabay sa tax reform package na naglalayong mapababa ang personal income tax rate at mapalaki ang take home pay ng mga manggagawa.
Mula sa dating 11 percent na monthly credit at papalo na ito sa 12.5 percent na pagtutulungan naman ng employer at member.
Bukod dito, ipatutupad na rin ang kautusan ng Pangulong Duterte na i-adjust ng 1.5 percent kada taon hanggang 2020 ang kontribusyon hanggang sa umabot ito sa 17 percent monthly credit.
Sa ganitong paraan sinabi ni Dooc ay mas mapahahaba pa ang buhay ng pension fund at serbisyo nito sa mga miyembro.
—-