Inihayag ni Social Security System (SSS) Acting Vice-President for Public Affairs and Special Events Division Fernan Nicolas, na ang mga miyembro at pensioner ay maaaring maka-avail ng sickness benefits.
Ayon kay Nicolas, ang mga miyembro na nagpositibo sa COVID-19 ay maaari ding maka-avail ng mga benepisyo sa pagkakasakit basta’t magpakita ng resulta ng RT-PCR test.
Dagdag pa ni Nicolas, noon pa man, may sickness benefits na ang SSS at ito ay para sa mga miyembrong may karamdaman na hindi nakakapasok sa kanilang trabaho.
Samantala, iginiit ni Nicolas na maaari lamang ma-avail ang sickness benefits ng mga nasa employed sectors kung hindi na available ang kanilang annual mandatory company sick leave. —sa panulat ni Kim Gomez