Handang humarap ang Social Security System o SSS sa anumang imbestigasyon na isasagawa ng Kongreso kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng ilang opisyal ng ahensya.
Ayon kay Atty. Santiago Agdepa, Senior Vice President-Office of the Commission Secretary, suportado nila ang nakatakdang imbestigasyon ng Kamara kahit pa ang paglahok nila sa imbestigasyon ng iba pang ahensya ng gobyerno.
Ito aniya ay para matiyak na malalimang imbestigasyon ang kanilang gagawin sa umano’y profiteering ng ilang opisyal ng naturang ahensya.
—-