Wala pang listahan sa ngayon ang Social Security System (SSS) ng mga lugar at indibidwal na kwalipikadong makakuha ng SSS calamity loan.
Ito’y kaugnay sa naganap na magnitude 7 na paglindol nitong Miyerkules kung saan lubhang naapektuhan ang Hilagang Luzon partikular ang lugar ng Abra
Ayon kay SSS spokesperson Fernan Nicolas sa panayam ng DWIZ ilalabas nito ang lahat ng datos at panuntunan sa pagbibigay ng cash assistance package oras na maglabas na ng listahan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Wala po kaming maibibigay na datos sa ngayon sapagkat iniintay po natin ‘yung mga area na idedeklara ng NDRRMC. Hindi po kami makapagbigay sapagkat ayaw naman naming na magkaroon ng false hope ‘yung mga miyembro namin ‘di sila masakop ng declaration kaya po iniintay namin ‘yun. Kung makapagdeclare na po ang NDRRMC agad po naming ilalabas ‘yung data at guidelines na ibibigay ng SSS para ma-avail ang calamity assistance package.