Inirerekomenda ng Social Security System (SSS) sa kanilang mga miyembro ang paggamit ng online platforms sa pakikipagtransaksyon.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio, target nilang magkaroon ng 32.3 milyong web transanction sa 2020.
Batay kasi sa datos ng SSS simula Enero hanggang Hunyo 2019, sa kabuuang bilang na 37.16 milyong transaksyon, 26.63 milyon dito o 72% ay Over-the-Counter, habang 10.54 milyon lamang o 28% ang nagawang transaksyon sa electronic channels (online).
Ani Ignacio, asahan pa ang mga hakbang na gagawin ng SSS para mas mapadali ang transaksyon at maparami pa ang mga paraan kung saan maaaring makapagbayad ang mga miyembro nito.