Nag-alok ng calamity loan at tatlong buwang advance pension ang Social Security System (SSS) para sa mga miyembro at pensyonadong naapektuhan ng Typhoon Karding.
Ayon kay SSS President, Chief Executive Officer Michael Regino, ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) ay binubuo ng three-month advance pension for social security at Employees’ Compensation (EC) Pensioners.
Sa ilalim ng naturang programa, papayagan ang mga miyembro ng SSS na mai-loan ang katumbas ng kanilang normal monthly salary credit sa nakalipas na 12 buwan habang ibibigay naman sa mga pensiyonado ang tatlong buwang advance pension na ibabatay naman sa kanilang buwanang pensyon.
Samantala, nanawagan naman ang SSS sa kanilang miyembro na magrehistro muna sa kanilang website na my.sss portal upang makapag-apply sa nasabing programa.