Mag a-update na ang Social Security System (SSS) ng contact information ng kanilang mga miyembro.
Ito’y matapos muling buksan ng SSS ang online updating ng records sa My.SSS portal.
Ayon kay SSS president at chief executive officer Michael Regina, maaari nang baguhin ng SSS members ang kanilang contact details tulad ng telephone number, mobile number, mailing address, foreign address at e-mail address, nang hindi na kailangan magpunta sa SSS branch o via Online.
Pero kung walang rehistradong mobile number, kailangang magtungo ng miyembro sa SSS at isumite ang mobile number sa pamamagitan ng Member data change request form at mag-set ng appointment sa pamamagitan ng kanilang My.SSS account.
Noong Agosto a-3 2021, sinuspinde ng SSS ang online updating ng contact details para bigyang-daan ang upgrade sa Online portal.