Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na magdadagdag ang kanilang ahensya ng mga tauhan.
Kasunod ito ng mas pinalawig na operasyon sa mga sangay ng kanilang ahensya sa Metro Manila na magsisimula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.
May mga piling SSS branches din ang magbubukas tuwing araw ng sabado kasabay ng pagpapalakas ng kanilang online platform.
Ayon sa SSS, mananatiling available ang online transactions sa kabila ng mas maluwag na restriksiyon sa bansa.
Ang pagpapalawig ng operasyon ay direktiba ni newly appointed SSS President Michael Regino bilang tugon na rin sa pagdagsa ng mga miyembro ng SSS. – sa panulat ni Angelica Doctolero