Maglulunsad ang Social Security System o SSS ng sarili nilang bersyon ng Oplan Tokhang
Ayon kay SSS Vice President for Public Affairs, Marisu Bugante, layon nitong habulin ang mga employer na hindi nagreremit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Magbibigay anya sila ng demand letter sa mga employer na anim na magkakasunod na buwan nang hindi nagreremit ng kontribusyon.
Kapag nagmatigas pa rin anya ang mga employer kakasuhan nila ang mga ito at isasapubliko ang kanilang mga pangalan. Pagkakakulong ng anim hanggang labing dalawang taon ang parusa sa paglabag sa SSS law.
Ayon kay Bugante, paraan na rin ito ng sss para mapalaki pa ang kanilang koleksyon.
By Jonathan Andal (Patrol 31)