Nag-alok ang Social Security System (SSS) ng calamity loan para makatulong sa mga miyembro nito na apektado ng lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay SSS Vice President for Public Affairs and Special Events Fernando F. Nicolas, maaaring mangutang ang mga miyembro ng SSS ng hanggang P20,000 sa ilalim ng ilulunsad na nationwide calamity loan program na magsisimula sa ika-24 ng Abril.
Para aniya sa mga interesadong mag-apply, maaaring maghain ng loan application ang mga miyembro sa SSS website o mobile app.
Kapag naaprubahan ay maaaring makuha ang ni-loan na pera sa enrolled bank account ng kanilang miyembro.
Mayroon itong 10% interest charged kada taon ngunit wala nang 1% service fee.