Humingi ng paumanhin si Social Security System (SSS) Chairman Amado Valdez dahil sa pagkakabinbin sa implementasyon ng P1,000 pension increase sa may dalawang (2) milyong retirees.
Matatandaang nangako si Valdez na ibibigay ang adjustment noong Pebrero 15, pero nabigo ito.
Ipinaliwanag ni Valdez na hindi pa naaaprubahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kanilang SSS proposal.
Tiniyak naman ni Valdez na magiging retroactive ito mula ngayong Enero ng kasalukuyang taon.
By Meann Tanbio