Nagbabala sa publiko ang Social Security System (SSS) partikular sa mga miyembro at empleyado kaugnay sa mga scammers at fixers.
Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng naitatalang insidente ng panloloko sa kanilang mga kliyente.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignaci, hindi dapat nagbibigay ng kahit anong impormasyon angmga miyembro ng kanilang ahensya kagaya ng social security number, credentials, at iba pang personal information.
Nilinaw din ng ahensya na libre at walang bayad ang pagsali sa social media groups na nagbibigay ng tulong sa pag-proseso ng ilang online transactions. —sa panulat ni Angelica Doctolero