Nagbukas ng bagong foreign extension office sa Canada ang Social Security System o SSS para sa libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa western provinces.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, may 270,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa Alberta, British Columbia, at iba pang western provinces ng Canada sa kasalukuyan.
Base sa latest census, umaabot na sa 660,000 ang populasyon ng Pilipino sa Canada at inaasahang mapagsisilbihan ang 40 porsyento nito ng bagong bukas na foreign extension office sa Calgary na nasa tanggapan ng Philippine Consulate General.
Aniya, ang nalalabing 60 porsyento ng mga Pinoy sa eastern provinces ng Canada ay saklaw naman ng SSS Toronto Foreign Representative Office.
By Meann Tanbio