Naghahanda na ang Social Security System (SSS) para magpaabot ng kanilang Social Calamity Assistance sa mga biktima ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Northern Luzon.
Ayon kay SSS spokesperson Fernan Nicolas naghahanda na ang SSS na maglabas ng cash calamity assistance, 3-month advance pension at Calamity House Improvement program.
”Sa ngayon po ay naghahanda ang Social Security System na maglabas ng calamity assistance package para po doon sa mga naapektuhan nitong nakaraang lindol nitong nakaraang linggo ang component po nito ay tatlo, number 1 po yung calamity loan, pangalawa para naman po doon sa ating mga pensioner 3-month advance pension, pangatlo sa ating mga miyembro na ang kanilang bahay ay nasira so mayroon po kaming Calamity House Improvement program.
- SSS spokesperson Fernan Nicolas sa panayam ng DWIZ
Dagdag pa ni Nicolas, para sa calamity loan nasa P20,000 ang maaaring maipahiram ng ahensya na nakabase sa kontribusyon ng mga miyembro
Habang ukol naman sa 3 month pension ay nakadepende sa laki ng pensyon na natatanggap ng pensioner at hanggang P1M naman ang pwedeng mapahiram ng Kagawaran para sa House Improvement Program.