Nagpaliwanag ang SSS o Social Security System sa reklamo ng ilang pensioner na hindi nila natanggap ang ipinangakong P1,000.00 dagdag sa kanilang pension, Marso 3.
Ayon kay SSS President Amado Valdez, posibleng na-delay lamang o di kaya ay napa-aga lamang ang pag-check ng ilang pensioner sa kanilang mga ATM.
Tiniyak naman ni Valdez na ngayong Sabado ay mapapasakamay na ng mga hindi pa nakakakuhang pensioner ang kanilang dagdag na pensyon.
Tinatayang nasa P6.9-B ang inilaan ng pamahalaan para sa first quarter release ng dagdag na pensyon ng mahigit 2.2 milyong mga retirado.
Samantala, kasalukuyan pang pinag-aaralan ng SSS kung kailan naman ipatutupad ang dagdag na singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito.
By Ralph Obina