Babagsak ng sampung (10) taon ang itatagal ng pondo ng SSS o Social Security System kung ibibigay na ngayon ang dagdag na pensyon ng mga pensyonado ng SSS.
Ito ayon kay SSS Chairman Amado Valdez ang nakita ng mga economic managers ng Pangulong Rodrigo Duterte kayat nag-alangan ang Pangulo na aprubahan ang SSS pension increase.
Sa ngayon anya, aabot hanggang 2042 ang buhay ng pondo ng SSS fund subalit kung ngayon na itataas ang pensyon, posibleng abutin lamang ang pondo hanggang 2032.
Matatandaan na dapat sana’y ibibigay na ngayong Enero ng SSS ang isang libong (P1,000) dagdag na pensyon sa SSS retirees at isang libo (P1,000) pa uli pagsapit ng 2019.
Bahagi ng pahayag ni SSS Chairman Amado Valdez
Contribution increase
Samantala, posibleng itaas ng SSS o Social Security System ang kontribusyon ng mga miyembro nito sa Hunyo ng taong ito.
Ayon kay SSS Chairman Amado Valdez, isa ito sa nakikita nilang paraan upang maituloy ang planong pagbibigay ng dagdag na pensyon sa mga SSS retirees.
Sinabi ni Valdez na 1.5 percent ang plano nilang idagdag sa SSS contribution ng bawat miyembro ng SSS o 12.5 percent mula sa kasalukuyang 11 percent ng sweldo ng bawat miyembro.
Maliban sa mas mataas na kontribusyon, plano rin anya ng SSS na itaas sa dalawampung libong piso (P20,000) mula sa kasalukuyang labing anim na libong piso (P16,000) ang salary cap o ang halaga ng sweldo na kinakaltasan ng SSS contribution.
Bahagi ng pahayag ni SSS Chairman Amado Valdez
By Len Aguirre | Ratsada Balita