Nanawagan ang Social Security System (SSS) sa mga miyembro at empleyado nito na mag-ingat sa mga fixers at scammers.
Nagbabala si SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio sa publiko na huwag magbigay ng kahit anong impormasyon gaya ng social security number, credentials, at iba pang personal information sa mga indibidwal na nagsasabing empleyado sila ng ahensya.
Bukod dito, binalaan din ng ahensya ang publiko sa pagsali sa mga social media groups na umano’y nagbibigay tulong sa pagproseso ng ilang online transactions.
Habang nilinaw naman ng SSS na libre ang mga online transactions, maliban na lamang sa unified multi-purpose id card o umid replacement.