Nanindigan ang Social Security System (SSS) na hindi na palalawigin pa ang deadline sa pagbabayad ng kontribusyon na hanggang ika-15 ng Hunyo.
Ayon kay SSS Spokesperson Fernan Nicolas, ito ay para maiwasan ang pagkakaroon pa ng penalty ang tatlong buwan kung kailan nakasailalim ang Luzon sa lockdown.
Ani Nicolas, malaki pa ang magiging penalty kapag pinatawan ang kontribusyon lalo na sa mga malalaking kumpanya.
Samantala, humingi rin ng pang-unawa ang SSS sa publiko dahil sa napakahabang pila ng mga nagpoproseso ng kani-kanilang transaksyon sa SSS Diliman Quezon City Branch.
Sinabi ni Fernan na kailangan na maobserba ang social distancing sa loob ng tanggapan kaya hindi maaaring sabay-sabay na makapasok sa loob.