Posibleng magbalik na sa normal ang online services ng SSS ngayong araw.
Ito’y matapos ang sunog sa data center room ng SSS main office sa Quezon City noong madaling araw ng linggo.
Tiniyak ni SSS Spokesperson Fernan Nicolas na gagawin lahat ng state-insurer ang lahat upang maibalik sa normal ang kanilang operasyon.
Ayon kay Fernan, sa ngayon ay ilang transaction, gaya ng salary loan at maternity benefit claims, ang hindi ma-aasikaso ng SSS branches at maaari lamang i-proseso online.
Maaari na naman anyang i-access ng mga employer ang SSS pages.
Muling siniguro ni Fernan sa mga miyembro ng SSS na walang datos na nasira o nawala sa sunog dahil may backup server naman ang ahensya.