Muling binuhay ni Senador Antonio Trillanes IV ang panukalang batas na nagtataas sa P2,000 na buwanang pensyon ng mga retiradong miyembro ng Social Security System o SSS.
Ito’y matapos gamitin ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang kaniyang veto powers para ibasura ang nasabing panukala na nakapasa na sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Trillanes, sa pamamagitan ng kanyang Senate Bill 91, umaasa siyang mabibigyang ginhawa na ang mga retiradong miyembro ng SSS na sumisigaw ng dagdag na pension.
Labing siyam (19) na taon na aniya ang nakalipas mula nang huling maitaas ang natatanggap na pensyon ng mga SSS retirees kaya’t hindi aniya ito sapat para matugunan ang pangangailangan sa kasalukuyan ng mga retirado na karamihan ay may sakit.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)