Mapapaaga na ang pagtanggap ng pensyon ng mga pensioners ng Social Security System (SSS).
Ani Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, natapat kasi sa weekend at special non-working holiday ang ika-1 ng Nobyembre.
Pagtitiyak pa ni Roque, sinisimulan na ng ahensya ang pagpopondo sa unang batch ng mga pensioners.
Kasunod nito, ani Roque, ngayong araw na ire-release ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang pondo.